Thursday, January 27, 2011

Bida Kapamilya Grand Fans Day at The Market! Market! This Sunday


The Cast of Noah, Bianong Bulag and Sabel will grace the Bida Kapamilya Grand Fans Day at the Market! Market! this Sunday, January 30.

Bilang pasasalamat sa walang humpay na pagtangkilik ng viewers sa ABS-CBN shows, inihahandog ng Kapamilya Network ang isa na namang fans day na gaganapin ngayong darating na Linggo, Enero 30, 4pm – 7pm, ang “Bida Kapamilya Grand Fans Day” sa Market! Market! Activity Center, Taguig City.

Samahan ang cast ng “Noah” na pinangungunahan nina Piolo Pascual, Zaijian Jaranilla, Xyriel Manabat, Jodi Sta. Maria, Joem Bascon at Melissa Ricks na magbibigay aliw sa kanilang fans. Ito ay isa na ring paraan ng pasasalamat ng “Noah” para sa patuloy na suporta na ibinibigay ng mga Kapamilya viewers sa nasabing palabas mula umpisa hanggang sa nalalapit na pagtatapos nito.




Makikisaya rin ang cast ng pinakabagong adventure serye ng Kapamilya network ang “Agimat presents Bianong Bulag” sa pangunguna nina Jason Abalos at Chari Pineda. Masisilayan rin ang cast ng Sabel na sina Jessy Mendiola at AJ Perez.




Maki-jamming kasama ng bandang Spongecola na magpapaindak sa inyong hapon sa pamamagitan ng kanilang musika.

Humanda na para sa isa na namang bigating “Bida Kapamilya” ngayong Linggo, Enero 30 sa Market! Market! Taguig City.


No comments:

Post a Comment