Wednesday, February 9, 2011

Gloc 9 - Walang Natira (Music Video and Lyrics)


After his hit political rap song "Upuan" in 2009, Gloc 9 is back with another sure fire hit song titled "Walang Natira" featuring former PDA Scholar Sheng Belmonte.

"Walang Natira", the carrier single of his 5th album "Talumpati", is an advocacy song dedicated to all Overseas Filipino workers (OFW), why they opted to work million miles away from their love ones, and what they are going through abroad just to provide a good life for their family.

Watch below Gloc 9's "Walang Natira" music video with lyrics:




Napakaraming guro dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira
Napakaraming nurse dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

yung bayang sinilangan ang pangalan ay Pinas
ngunit bakit parang puno na ang prutas ay pitas
nauubusan ng batas parang inamag na bigas
lumalakas na ang ulan ngunit ang payong ay butas
tumatakbo ng madulas mga pinuno ay ungas
sila lamang ang nakikinabang pero tayo ang utas
mga kabayan natin ay lumilipad, lumalabas
para pumunta ng ibang bansa at doon magtamas
ng kamay para lamang magkakalyo lang muli
ang pahinga’y iipunin para magamit pag-uwi
dahil doon sa atin mahirap makuha buri
mapahiran ng chokolate ang matamis na ngiti
ng anak na halos di nakilala ang ama
o ina na wala sa tuwing kaarawan nila
dadarating kaya ang araw na ito’y magiiba
kung hindi ka sigurado magisip-isip ka na

Napakaraming inhinyero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
napakaraming karpintero dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

mabuti kung mabuti ang kinakahinatnan
ang kapalaran ng lahat nang nakipagsapalaran
kahit nag-aalangan para lang sa kapakanan
ng mahal sa buhay ang sugal ay tatayaan
sasanlaan lahat ng kanilang pag-aari
mababawi din naman yan ang sabi pagnayari
ang proseso ng papeles para makasakay na sa eroplano
o barko kahit saan man papunta
basta kumita ng dolyar na ipapalit sa piso
ang isa ay katumbas ng isang dakot ng mamiso
ganyan ba ang kapalit ng buhay ng pilipino
kung lilisanin ang pamilya ang amo na kahit na sino
gugtumin, sasaktan, malalagay sa peligro
uwing nasa kahon ni wala man lang testigo
darating kaya ang araw na itoy mag-iiba
kung hindi ka sigurado magisip-isip ka na

Napakaraming kasambahay dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
napakaraming labandera dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

subukan mong isipin kung gaano kabigat
ang buhat ng maleta halos hindi mo na maangat
ihahabilin ang anak para ito sa kanila
lalayo upang mag-alaga ng anak ng iba
matapos lamang sa kolehiyo mututubos din ang relo
bilhin mo na kung anong gustong laruan ni Angelo
matagal pa kontrato ko titiisin ko muna to
basta ang mahalaga ito’y para sa pamilya ko

Napakaraming guro dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
napakaraming nurse dito sa amin
ngunit bakit tila walang natira ahh
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila ahh
gusto kong (yumaman 5x)
nagaabroad sila

napakaraming tama dito sa atin
ngunit bakit tila walang natira ahh


No comments:

Post a Comment